Pinoy Messianic
  • Home
  • Blog
  • Fellowship
  • Light of Messiah Ministries Canada

Sabbath

2/9/2013

0 Comments

 
Sabbath
Written by Richard Sison


Marami ang maaaring magtaka na sa mga talata na nabanggit, ang mga banal na araw ay nagsisimula sa Sabbath. Ang kadahilanan nito ay dahil ito ay madalas mangyari, isang beses sa bawat linggo. Ang pananaw ng mga Hudyo ay kakaiba sa ating pananaw. Para sa kanila, hindi dahil lagging nangyayari ang Sabbath isa sa isang linggo kundi ito ay napaka espesyal sa kanila kaya nila ginagawa ito isang beses sa loob ng isang linggo. Pag inilagay natin ito sa ating isipan, maiintindihan natin kung bakit ito ay nasa una ng listahan ng mga kapistahan. Malinaw din sa Lebitiko 23 na siya ang una sa mga kapistahan na itinalag ng ating Panginoon.

Ang ibig sabihin ng Sabbath ay “kapahingahan” o “magpahinga”, na malinaw na sinasabi sa atin kung ano ang dahilan ng kapistahang ito – ang tao ay makapagpahinga sa lahat ng gawa. Mula sa kapanahunan ng mga Griyego noong unang panahon hangang sa makabagong panahon natin, ang mga tao ay nalulong sa trabaho at gusto laging maka-una o makalamang sa kapwa, gustong magkaroon ng maranghang pamumuhay. Hindi tayo nawawalan ng gagawin! Ngunit kapag walang kapahingahan, ang lakas ng tao at ang kanyang kagalingan ay babagsak din.



Sa kalawakan ng katalinuhan ng Diyos, pinagbilinan niya ang mga Israelitas na palakasin nila ang pisikal na pangangatawan, emosyonal, at espiritwal. Ipinapakita ng Diyos ang prinsipyong ito sa pag likha niya ng buong mundo. Sa loob ng anim na araw, ginawa niya ang buong mundo at lahat ng kalikasan ngunit nagpahinga siya sa “ikapitong araw”. Kaya ang ikapitong araw ay tinawag niyang Sabbath o araw ng kapahingahan na panghabang panahon na paalala ng Diyos na may likha na kailangan nating hanapin ang Kanyang kapahingahan upang tayo ay magkaroon ng tunay na kapahingahan sa Kanya (Exo 31:16-17).

Ayon sa pagkakasalaysay kung papaano nailikha ang sanlibutan na nasulat sa Genesis, ang Sabbath ay nagsisimula ng paglubog ng araw ng Biernes hanggang sa paglubog ng araw ng Sabado. Ayos sa Bibliya, ang araw ay nagsisimula sa gabi at umaga. Sa atin baliktad, sinisulan natin sa araw at ang tapos ay gabi. Kapag tinignan natin ang pag bilang ng araw sa Genesis, “At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw.” (Gen 1:5, 8, 13, 19, 23, 31). Kaya hangang ngayon, ang kalendaryo ng mga Hebreyo o ng Israel ay laging nagsisimula sa paglubog ng araw at ito ay matatapos sa hapon ng kasunod na araw bago mag hapon.

Sa hanay ng mga kristiyano, ang Linggo ay tinatawag nilang “Sabbath ng Kristiyano” ngunit ito ay mali at di naaayon sa Salita ng Diyos. Ang Linggo ay hindi tinawag na Sabbath sa Bibliya kahit kalian. Sa katotohanan ang salitang “Linggo” o “Sunday” ay hindi makikita at hindi lumabas sa mga orihinal na kasulatan ng Bibliya. Ang tawag ditto ay “unang araw ng linggo” o “first day of the week” (Mat 28:1 at 1 Cor 16:2). Ang paraan ng Bibliya sa pag bilang ng araw ay laging naka base sa Sabbath kaya ang “Sunday” o “Linggo” ay “Unang Araw” at ang Lunes ay “pangalawang araw” etc. na nagbibigay ng ebedensiya ng pagiging sentro ng Sabbath sa mga Israelitas.
Ang Sabbath sa Bagong Tipan

Dahil sa pagiging sentro sa tradisyon ng mga Hudyo, natural lang na maaasahan natin na Makita ang pag obserba ng Sabbath at ito ay nababangit at nasusulat sa kabuoan ng Bagong Tipan (New Testament). Ang pag samba sa mga sinagoga o congregasyon ng mga Hudyo ay hango sa Nehemiah kapitulo 8. Ngunit ang mas detalyadong pagsasalaysay sa Bibliya tungkol ditto ay hango sa “Mga Pahayag” o “gospels” sa Bagong Tipan.

Luk 4:16-21 “At siya’y napasa Nazaret na kaniyang nilakhan: at ayon sa kaniyang kaugalian, siya’y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagtindig upang bumasa. At ibinigay sa kaniya ang aklat ng propeta Isaias. At binuklat niya ang aklat, na nasumpungan niya ang dakong kinasusulatan, Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagka’t ako’y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako’y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi, Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon. At binalumbon niya ang aklat, at isinauli sa naglilingkod, at naupo: at ang mga mata ng lahat ng nangasa sinagoga ay nangakatitig sa kaniya. At siya’y nagpasimulang magsabi sa kanila, Ngayo’y naganap ang kasulatang ito sa inyong mga pakinig.”

Ang pagsamba sa sinagog o congragasyon noong unang siglo (first century) ay nahayag sa kahanga-hangang detalye sa talatang nabangit. Kung mapapansin natin, mula sa pag basa ng “Torah” (ito ang tawag sa Hebreyo ng unang 5 Aklat ng Bibliya na gawa ni Moises) at “Haftorah” (ito naman ang tawag sa Hebreyo sa iba pang kasulatan ng Lumang Tipan) ng espesyal na tagapag-basa. Si Yeshua (ang Hebreyong pangalan ng Panginoong Hesus) ay nag basa ng bahagi ng “Haftorah” sa Sabbath na iyon at binasa niya ang Isaiah 61 na nagpapatungkol sa propesiya tungkol sa Mesiyas. Ang sinagoga o kongregasyon, ang huling nagbabasa ay kadalasan ang binibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag sa talatang kanyang binasa. Sa pagkakataong ito, hindi na nag atubiling nagpakilala si Yeshua na siya ang Mesiyas na darating na binangit sa Isaiah 61.

Magkahalong reaksiyon ang mga tao dahil sa kontrobersiyal na pag deklara ni Yeshua na siya ang Mesiyas. May mga taong naniniwala sa kanya (bersikulo 22) pero madami ding nagalit sa kanya ( bersikulo 28). Ang Mensahe ni Yeshua kahit sa ating panahon ay nagbibigay ng kontrobersiya. Para sa iba, siya ay manlilinlang, ngunit sa iba, siya ang Mesiyas, ang tagapagligtas na babangit sa mga kasulatan ng Hebreyo o ng Bibliya. Para sa maraming tao sa ating panahon, mapa hudyo o hindi hudyo, ang salita ng Panginoon ay naghahatid ng katotohanan mula sa Diyos!

Si Yeshua ay palaging sumasamba tuwing Sabbath at ginawa na niya itong kaugalian ayon sa Bibliya. Ano pa nga ba ang kanyang gagawin? Siya ay pinanganak na Hudyo at siya ay nabuhay na naaayon sa mga kaugalian at tradisyon ng mga Israelitas na ayon sa kanyang panahon. At katulad din niya, ang mga unang apostoles ay mga pinanganak na hudyo din at pinagpatuloy nila ang nakaugaliang pamantayan sa pagsamba sa sinagoga o kongregasyon (tignan sa Acts 13:13 at 18:4 para sa mga kahalintulad na gawa).

Ngunit hindi ibig sabihin nito na si Yeshua ay sumasang-ayon sa bawat detalye ng pag samba sa sinagoga o sa bawat pamamaraan ng mga “rabbi” (o tagapagturo) tungkol sa pagdiwang o pag obserba sa Sabbath. Makikita natin na ipinakita ng Panginoon ang mga mali at kakulangan sa pag diwang ng Sabbath kaya “At sinabi niya sa kanila, Ginawa ang sabbath ng dahil sa tao, at di ang tao ng dahil sa Sabbath” (Mark 2:27).

Nakakalungkot lamang isipin na maraming tao ang nakakalimot na kaluguran ang Sabbath, ang iba ay kinakalimutan iito at ang iba naman ay ginagawa itong listahan ng sangkatutak na gawain at ang iba naman ay ginagawang legalismo. Hinamon ni Yeshua ang mga tao sa kanyang panahon na maging balansenupang makapasok sa totoong kapahingahan ayon sa Banal na Espirito ng Diyos. Ito ay hamon din maging sa ating kapanahunan sa ngayon.
Mga Katuparan Ayon sa Propesiya



Ang mga katuparan ng propesiya patungkol sa Sabbath ay nasusulat sa Bagong Tipan sa libro ng Hebreyo na naisulat para sa mga “Mga Hudyong Tagasunod ng Mesiyas”. Ito ay isinulat para sa mga hudyong nananampalataya sa Mesiyas sa unang siglo (first century).

“May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath, ukol sa bayan ng Dios. Sapagka’t ang pumasok sa kaniyang kapahingahan ay nagpahinga naman sa kaniyang mga gawa, gaya ng Dios sa kaniyang mga gawa.” (Heb 4:9-10)

Ang spiritual na kapahingahan ay ang katuparan ng propesiya patungkol sa pagdiwang ng Sabbath. Ang ikapitong araw (Sabbath) ay isang napaka-gandang paalala na darating ang araw na tayo ay magpapahinga sa Panginoon. Ang isang libong taon sa kaharian ni Yeshua ay napakagandang panahon ng kapahingahan at pagsamba sa ating Hari. Ayon sa Bibliya, mula sa panahon ni Adan hanggang sa kapanahunan ng Panginoong Yeshua sa mundo ay merong mahigit-kumulang na 4,000 na taon o 4 na melinya. Mula sa pagkabuhay ng Panginoon hangang sa ating panahon ay mahigit-kumulang na 2,000 taon o dalawang milenya. Sa madaling salita, mula kay Adan hangang sa ating panahon ay meron ng mahigit-kumulang na 6,000 na taon o 6 na milenya. Ayon kay apostol Pedro “Datapuwa’t huwag ninyong kalimutan, mga minamahal, ang isang bagay na ito, na ang isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon, at ang isang libong taon ay katulad ng isang araw.” (2 Pet 3:8). Kung ang anim na libong taon ay parang anim na araw sa Panginoon, ang isang libong taon na darating na kung saan maghahari ang Panginoong Yeshua (Hesus) sa mundo ay parang isang araw lang sa Diyos na kung saan ito ang pang pitong araw at ito ang Sabbath ng Panginoon. Kaya hindi na rin kataka-taka na tinawag ng Panginoong Yeshua ang kanyang sarili bilang “Panginoon ng Sabbath” (Mat 12:8; Mark 2:28; Luk 6:5). Siya ang Panginoon ng Sabbath, siya ang Panginoon sa loob ng isang libong taon na darating! Nawa ay dumating na agad ito. Ngunit habang nag aantay tayo, nais niyang maranasan natin ang katotohanan sa Sabbath sa araw-araw nating paglalakad at pamumuhay. Sinabi din ng Panginoong Yeshua, “Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo’y aking papagpapahingahin. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka’t ako’y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. Sapagka’t malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan.” (Mat 11:28-30). Sa tuwing pinagdiriwang natin ang Sabbath, nawa ang kapahingahan ng ating espirito kay Yeshua ay ating mararanasan sa tuwi-tuwina!
Ang Praktikal na Gabay para sa Mananampalataya sa Mesias



Maraming mga kamangha-manghang aral tungkol sa Sabbath na maaaring ikaliligaya ng mga taga sunod ni Yeshua. Katulad din ng mga ibang Kapistahan ng Panginoon, ang pinaka importanteng elemento ay ang espirito na kung paano natin ipagdiwang ang mga banal na araw. Maraming praktikal na pamamaraan na pag obserba ng Sabbath na nagtutukoy sa kapahingahan na inaalay ng Diyos sa kanyang mga anak. Ang mga mananampalataya ay tunay na mapapahalagahan itong kapahingahan sa pamamagitan ng pananatila sa Mesias.

Bilang mananampalataya sa Mesias, ang Sabbath ay pwedeng obserbahan sa maraming paraan.
0 Comments



Leave a Reply.

    Archives

    April 2013
    March 2013
    February 2013
    December 2010

    Categories

    All
    Biblical Practices
    Cults
    Early Churches
    Filipino Christians
    Filipino Messianic
    History Of Christian Church
    Jewish Holiday
    Jewish Practices
    Leaven
    Messianic
    Messianic Theology
    Nisan
    Pascua
    Pasko Ng Pagkabuhay
    Paskua
    Passover
    Passover Lamb
    Pesach
    Pinoy Messianic
    Quartodecimanism

    RSS Feed

Powered by Create your own unique website with customizable templates.