Kapistahan ng PagtatalagaWritten by Richard Sison
Panimula
Ayon kay Apostol Pablo, ang mga Kapistahan sa Biblia na mas kilala na kapistahan ng mga Hudyo ay mga anino ng mga bagay na darating para mga mga mananampalataya patungkol sa Panginoong Hesus (Col 2:16-17)
Pista ng Pagtatalaga – Pista ng mga Ilaw
Ang kapistahan ng Pagtatalaga ay kilala din bilang Pista ng mga Ilaw. Sa salitang Hebreyo (Hebrew), ito ay tinatawag na Hanukkah. Ito ay kapistahan ng mga Hudyo ng mga Hudyo ngunit ito at nabanggit sa Bibliya. Titignan natin ang Pista ng Pagtatalaga sa pananaw nating mga kristiyano, at ipapaliwanag ang pagkaka angkop sa Bibliya, ang mga tradisyon, mga kapanahonan, mga ibedensiya at mga nakakamanghang bagay na nagpapakita sa pag ganap ng Mesias sa pamamagitan ng Pista.
Panahon ng Pagdiriwang:
Ang Hanukkah o Pista ng Pagtatalaga ay ipinagdiriwang sa Hebreyong buwan ng “Kislev” na pumapatak sa mga buwan ng Nobyembre at Disyembre. Ito ay nag sisimula sa ika-25 ng Kislev at tumatagal ng walong araw.
Talata sa Biblia
Ang istorya ng Hanukkah ay nakasaad sa Unang Aklat ng Maccabees. Ang aklat na ito ay nakasama sa Apocrypa. Ang Pista ng Pagtatalaga ay nabanggit sa Bagong Tipan (New Testament) sa Juan 10:22.
Patungkol sa Pista ng Pagtatalaga
Noong mga taon bago mag 165 BC, bago pa dumating ang Panginoon sa lupa, ang mga Hudyo na nakatira sa Judea ay nasasakop ng Haring Griyego (Greek) sa Damascus. Sa panahon ng pamamahala ng hari ng “Seleucid” na si Antiochus Ephiphanes na isang Griyego-Syrian na hari, sinakop nila ang Templo sa Jerusalem and pwersahang inubliga ang mga Hudyo na iwanan ang kanilang pamamaraan sa pag-samba sa Diyos, isantabi ang kanilang mga banal na kustumbre at pag babasa ng “Torah” (Unang limang Aklat sa Lumang Tipan) at sapilitang pinasamba sa mga diyos-diyosan ng mga Griego na inilagay sa Templo ng Diyos. Ayon sa mga naisulat, itong si haring Antiochus IV ay binastos ang Templo ng Diyos sa pamamagitan ng pag alay ng baboy sa altar ng Templo at pag buhos ng dugo ng baboy sa Banal na Kasulatan.
Ang resulta ng mahigpit na pag-uusig at pag-papahirap ng mga pagano sa mga Hudyo, isang grupo ng apat na magkakapatid na Hudyo na pinangungunahan ni Judah Maccabee, ay nag lungsad ng isang hukbong mandirigma. Itong mga taong ito ay mababagsik ngunit puno ng pananampalataya at katapatan sa Diyos ng Israel. Ang kanilang grupo ay tinawag na “Maccabees”. Sila ay maliit na grupo ng mga mandirigma na lumaban sa mga paganong Griego sa loob ng tatlong taon sa pamamagitan ng lakas mula sa Langit hanggang sila ay milagrong nagtagumpay at nakalaya sa control ng mga Griego-Syrian mananakop.
Nang masakop na muli ng mga Hudyo ang Templo, ito ay nilinis ng mga Maccabees, inalis ang lahat ng mga rebulto na itinayo ng mga Griego at inihanda ito na muling “Itatalaga” o “Dedicate”. Ang pagtatalaga na muli ng Templo ng Panginoon ay naganap noong 165 BC, sa 25-araw ng Hebreyong buwan ng Kislev.
Kaya ang Kapistahang ito ay tinawag na Hanukkah sa salitang Hebreyo na ang ibig sabihin ay Pista ng Pagtatalaga, dahil pinagdiriwang ang tagumpay ng Maccabees laban sa mga mang-aaping Griego at sa pag-tatalaga na muli ng Templo ng Panginoon. Ang Hanukkah ay kilala din bilang Pista ng mga Ilaw, dahil pagkatapos lamang ng milagrong pagkakalaya ng bansang Israel, ang Diyos ay muling nagbigay ng isang milagro na palatandaan ng kanyang presensiya.
Sa Templo, ang pang walang hanggan na ilaw ng Diyos ay dapat laging nakasindi sa lahat ng oras at ito ay nagsisimbolo ng presensiya ng Diyos. Ngunit ayon sa mga sinaunang Hudyo, ng muling inihandog o itinalaga ang Templo, merong lamang sapat na langis para masindihan ang ilaw sa loob ng isang araw. Itong langis na ito ay ang tanging langis na hindi dinungisan ng mga Griego. Lahat ng langis, maliban lamang ang isang lalagyanan, ay dinumihan at binaboy ng mga Griego at hindi nararapat gamitin sa pag ilaw sa Templo. Upang makagawa ng langis na malinis at bago para sa pang-siga sa ilaw sa Templo, kailangan nila ng pitong araw para dito. Sa kadahilanan na kailangan na nilang gawin ang paghahandog o pagtatalaga na muli ng Templo, iniutos ng mga Maccabees na ituloy na rin kahit pang isang araw lang ang ilaw, ngunit ang presensiya ng Diyos ay ipinadama sa mga Hudyo dahil ang langis na dapat pang isang araw lamang ay tumagal ito ng walong araw hanggang dumating ang panibagong langis na gagamitin.
Dahil dito, ang Pistang ito ay tinawag na Pista ng mga Ilaw at dahil dito ang “Hanukkah Menorah” ay sinisindihan sa loob ng walong araw ng pagdiriwang. Ang mga Hudyo ay inaalala ang milagro sa langis sa pamamagitan ng pag luto ng mga pagkaing iniluto sa langis.
Si Hesus at ang Pista ng Pagtatalaga
Joh 10:22-23 “At niyao’y kapistahan ng pagtatalaga sa Jerusalem: Noo’y tagginaw; at naglalakad si Jesus sa templo sa portiko ni Salomon.” Bilang isang Hudyo, walang duda na an gating Panginoong Hesus ay nag-diwang ng Pistang ito noong siya ay nasa mundo pa bilang isang tao. Dahil kung hindi, ano ang kanyang ginagawa sa mga panahong ito sa Templo at bakit binanggit ni Juan ang Pistang ito.
Katulad din ng matapang na espirito ng mga Maccabees na naging matapat sa Diyos sa gitna ng matinding pag-uusig (persecution) ay naisalin sa mga disipulo ng Panginoong Hesus na kung saan ay haharap sila sa matinding pag-subok dahil sa katapatan kay Kristo. At katulad din ng milagro ng presensiya ng Diyos na inilalathala sa pamamagitan ng walang hanggang ilaw ng Diyos nanaka-siga para sa mga Maccabees, si Hesus ay nagkatawang-tao, naging pisikal na pagpapahayag ng presensiya ng Diyos, ang “Ilaw ng Mundo”, na dumating at tumira kabilang sa sangkatauhan at bigyan tayo ng walang hanggang liwanag ng Diyos na buhay.
Higit pang mga Katotohanan Tungkol sa Hanukkah
• Hanukkah ay isang tradisyonal na pagdiriwang ng pamilya.
• Ang ilaw ng Menorah ay ang sentro ng tradisyon sa Hanukkah.
• Pagkaing pinirito at mamantika ay isang paalala ng himala ng langis.
• Tradisyonal ang “Dreidel” na laro ng mga bata at madalas sa buong sambahayan sa panahon ng Hanukkah.
•Ang mga hudyo ay nagbibigay ng kanilang handog sa Diyos at regalo sa isa’t isa sa panahong ito lalo na sa mga bata na kung saan sila ay nakakatangap ng regalo sa loob ng walong araw. Ang pang walong araw ay ang pinakamahal na regalo ay binibigay ito.