Mga Itinalagang Kapistahan ng DiyosWritten by Richard Sison
Marami sa ating mga kristiyano ang hindi nakaka alam ng mga kapistahan na itinalaga ng Diyos. Ang alam nating kapistahan ng mga kristiyano ay ang Pasko, Bagong Taon, Araw ng mga Puso, Mahal na Araw, Araw ng mga patay at iba pa. Wala man lang sa atin ang nag tanong kung ito bang mga araw na ito ay nasa Bibliya. Kahit sa ating mga magigiting na mag-aaral ng Bibliya, karamihan sa mga pastor at mga punong ministro ng bawat sekta ng kristianismo ay walang lakas ng loob mag tanong at mag imbistiga kung ito bang mga nakagisnan na kapistahan ay naaayon sa Bibliya o hindi. Meron ding mangilan-ngilan na hindi nag didiwang ng ilan sa mga ito pero sapat na ba ito? Hindi ba dapat malaman natin kung ano ba talaga ang mga kapistahan ng Panginoon ayon sa Kanyang Salita sa Banal na Kasulatan?
Karamihan sa mga pastor at pinuno ng mga simbahan ang walang kabang ipinagtatanggol pa ang mga maling nakagawian. Ginagamit pa ang Salita ng Diyos upang ipagtanggol ang mga maling kapistahan at sila pa ang nangunguna upang ipagdiwang ang mga paganong pagdiriwang. Kung ating iimbistigahan ng maiigi, ang mga nakagisnan na pista na ating ipinagdiriwang tulad ng Pasko at Bagong Taon, ito ay hango sa paganong pagdiriwang. Ang Pasko na ipinagdiriwang natin ang kaarawan o kapanganakan ng Panginoong Hesus ay sa maling panahon. Ang Disyembre 25 ay pagdiriwang ng isang paganong diyos-diyosan. Ito ay pagdiriwang ng mga pagano na sumasamba sa Diyablo. Masakit man tanggapin pero ito ang katotohanan. Ginawa ni Constantine, emperor ng Roma noong ikatlong siglo (3rd century A.D.) na pagsamahin ang paganong pananampalataya sa kristiyanismo at ito ay tinawag na Romano Katoliko. Maraming mga paganong diyos-diyosan ang ipinangalan sa Kristiyanong pangalan. Ang mga diyos-diyosan nilang babae ay tinawag nilang Maria, hango sa pangalan ng ina ng Panginoong Hesus sa kanyang pagkatawang tao. Ang kanilang mga lalaking diyos-diyosan ay pinangalan sa Panginoon at ang iba ay ipinangalan sa mga apostoles ng Panginoon.
Maliban sa pag palit ng pangalan ng mga paganong rebulto at diyos-diyosan, pinalitan din ang mga pangalan ng mga kapistahan ng pagano na naayon sa Bibliya tulad ng Christmas o Pasko. Ginawang Christmas dahil ito daw ay misa o “mass” para kay Kristo. Ang Paskong salita naman at hiram galing sa salitang Latin na “Pascha” na hawig din sa salitang Hebreyo na “Pesach” na isa sa mga itinalagang kapistahan ng Panginoon ngunit ito at ginamit sa maling araw. Ang malalimang pag-aaral ng mga pag-sasalin ng mga paganong pananampalataya at Kristiaynismo ay hindi sakop sa sulating ito. Nais ko lang banggitin na karamihan sa atin ay ligaw o walang alam sa mga tamang kapistahan o araw na kung saan tayo ay inatasan ng Diyos na sambahin siya sa “spirit at katotohanan”.
Marami din sa ating mga magigiting na mag-aaral ng Bibliya ang mag dedepensa sa mga maling gawain na ito. Isa sa mga sinasabi nila ay “pede naman nating sambahin ang Diyos kahit anong araw o kaya araw-araw”. Nakakalungkot man isipin pero ito ay isang baluktot at pilosopong pagtatanggol sa mga maling nakagisnan natin bilang isang kristiyano. Malulugod ba ang Panginoon kung sasambahin natin siya sa araw na itinalaga ng mga pagano para sambahin ang mga demonyo? Hindi rin practikal at halos imposible na sumamba araw-araw. Paano na tayo maghanap buhay kung lagi tayo nasa simbahan? Alam ng Panginoon na hindi natin magagawa ito kaya nagtalaga siya ng isang araw sa isang lingo at pitong kapistahan sa buong taon upang magtipon-tipon ang kanyang mga anak at sambahin siya sa spirito at katotohanan. Ito ang kanyang hinihingi at kung magbibigay pa tayo ng ibang araw na karagdagan dito ay nasa sa atin na yun pero dapat gawin natin kung ano ang Kanyang inuubliga sa atin.
Kung malalaman natin ang mga araw na dapat natin Siyang sambahin, hindi ba nararapat na ito an gating gawin? Hindi ba mas kalugod-lugod an gating pag samba kung ginagawa natin ito sa tamang araw at petsa? Bakit natin kailangang makipag sabayan sa mga makamundong pagdiriwang ng mga paganong araw at ihahandog natin ito sa ating Diyos? Sa aking palagay, mas nararapat nating sambahin an gating Diyos sa spirito at sa katotohanan sa “totoong” araw na hinihingi ng Diyos sa atin.
Marami akong nakakausap na magigiting na mag-aaral ng Salita ng Diyos pero ako’y nalulungkot kapag sinasabi nila na hindi na natin dapat gawin ang mga makalumang pag samba dahil ito ay tinapos na ng Panginoong Hesus sa krus. Ipinako na daw ito at wala na itong halaga. Sa kasamaang palad pa nga, meron pa akong nakausap na pastor na nagsabi pa sa akin na kapag ako ay sumamba sa Panginoon sa mga araw na itilaga sa lumang Tipan, ako ay nagkakasala at maaaring mawala na ang aking kaligtasan. Ipinipilit niya sa akin na ang mga kapistahan na itinalaga ng Diyos sa Bibliya ay hindi na nararapat at ito na ay ang pag samba sa Diyablo pero ang mga araw ng mga pagano na pag samba sa Diyablo ay para na sa Panginoon. Napakasakit isipin ang baluktot na pananaw ang ilan nating magigiting na mag-aaral ng Bibliya at maging ang ilang pastor na baliktad na ang pang unawa. Ang araw ng Diyos sa Bibliya na nasulat sa lumang Tipan ay ipinako na sa Krus at sinuman ang gumawa nito ay nagkakasala at sumasamba sa Diyablo pero yung mga paganong araw na itinalaga para sa mga diyos-diyosan at diyablo ay sa Panginoon na ngayon at dahil sa pwede nating sambahin ang Panginoon kahit anong araw, wag lang sa mga araw na itinalaga ng Panginoon sa lumang Tipan. Isang malaking kalokohan ito at kung hindi ko mismo narinig sa sarili kong mga tenga, mahirap paniwalan pero ito po ang katotohanan. Marami po sa ating mga mangangaral ang ignorante at hindi nakaka-alam sa mga tamang palatuntunin n gating Panginoon. Ngunit ang Panginoon ay matapat at maawain dahil nagtalaga siya ng kanyang mga piling mangangaral na bukas ang tenga upang making at malawak ang isip upang imbistigahan ang mga katotohanan ayon sa Salita ng Diyos. Kayo pong mga mag-aaral ng Bibliya na bukas ang puso at isip at buong pusong sinasaliksik ang katotohanan, nawa ay pag palain tayo ng ating Diyos na buhay magpakailan man.
Ano-ano ang mga Kapistahan ng Panginoon
Ngayong alam na natin na ang Pasko at iba pang paganong kapistahan ay hindi sa Panginoon, ang sunod nating itanong sa ating sarili ay kung ano-ano ang mga araw na kung kalian tayo dapat magsamba sa Panginoon. Ito ay napakahalaga kung nais natin makasiguro na tayo ay namumuhay na kalugod-lugod sa ating Panginoon. Upang maunawaan natin ng maigi ito ay kukuha tayo ng halimbawa sa makataong sitwasyon. Kung meron ba tayong araw na makikipagtagpo sa Presidente ng Pilipinas, pupunta ba tayo sa ibang araw na gusto natin o ang araw na itinalaga para sa atin? Malamang excited pa tayo at malayo pa ay pinaghahandaan na natin yan at maaga pa tayo sa araw na iyon at sigurado tayong di tayo liliban, tama po ba? Kung ganun, bakit hindi din natin gawin ito sa Hari ng mga Hari? Gawin natin ito sa Diyos na makapangyarihan sa lahat na maylalang ng buong mundo. Malinaw na nakasulat sa Bibliya kung anong araw at panahon tayo dapat makipagtagpo sa Kanya. Alam natin na an gating Diyos ay hindi tulad ng tao na pabago-bago. Alam natin na ang Panginoong Hesus ay di nagbabago mula Noon, Ngayon, at Magpakailan pa man. Kung ang Diyos ay di nagbabago, bakit niya babaguhin ang mga araw at panahon na Kanyang itinalaga para sambahin siya ng kanyang mga anak? Ang katotohanan po mga kapatid, hindi nagbago ang Panginoon ngunit ang tao ang nagbago. Binago ng tao ang mga panahon na itinalaga ng Diyos. Ang mga pagbabagong ito ay sadyang ginawa ni satanas upang linlangin ang mga mananampalataya upang meron siyang dahilan para tayo ay batikusin sa harap ng ating Diyos ngunit ang Panginoong Hesus ang ating tagapagtanggol.
Ayon sa Lebitiko 23 (Lebiticus 23), Idiniklara ng Panginoon kay Moses ang mga kapistahan at araw ng pag-samba sa ating Panginoon. Ayon sa salita ng Diyos sa Lebitiko 23:1-2 “Ang Panginoon ay nagsalitang muli kay Moises at nag sabi, kausapin mo ang mga anak ni Israel at sabihin mo sa kanila, ‘ang mga kapistahan ng Panginoon na dapat ninyong iproklama bilang banal na pagtitipon, Ang Aking mga itinalagang kapistahan ay ang mga sumusunod:’
Leb 23:3 Anim na araw na gagawa: datapuwa’t sa ikapitong araw ay sabbath na takdang kapahingahan, siyang banal na pagpupulong; anomang gawa ay huwag ninyong gagawin: isang sabbath sa Panginoon sa lahat ng inyong tahanan.
Leb 23:4 Ito ang mga takdang kapistahan sa Panginoon ng mga banal na pagpupulong na inyong itatanyag sa takdang panahon.
Leb 23:5 Sa unang buwan, nang ikalabing apat na araw ng buwan, sa paglubog ng araw, ay paskua sa Panginoon.
Leb 23:6 At nang ikalabing limang araw ng buwang iyan, ay kapistahan ng tinapay na walang lebadura sa Panginoon: pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang lebadura.
Leb 23:7 Sa unang araw ay magkakaroon ng banal na pagpupulong: anomang gawang paglilingkod ay huwag ninyong gagawin.
Leb 23:8 Kundi maghahandog kayo sa Panginoon na pitong araw ng handog na pinaraan sa apoy; sa ikapitong araw ay magkakaroon ng banal na pagpupulong anomang gawang paglilingkod ay huwag ninyong gagawin.
Leb 23:9 At sinalita ng Panginoon kay Moises na sinasabi,
Leb 23:10 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagka kayo’y nakapasok sa lupain na ibibigay ko sa inyo, at inyong nagapas na ang ani niyaon, ay magdadala nga kayo sa saserdote ng bigkis na pinaka pangunang bunga ng inyong paggapas:
Leb 23:11 At aalugin niya ang bigkis sa harap ng Panginoon upang tanggapin sa ganang inyo: sa kinabukasan pagkatapos ng sabbath aalugin ng saserdote.
Leb 23:12 At sa araw na inyong alugin ang bigkis, ay maghahandog kayo ng isang korderong lalake ng unang taon, na walang kapintasan, na pinakahandog na susunugin sa Panginoon.
Leb 23:13 At ang handog na harina niyaon ay magiging dalawang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina na hinaluan ng langis, handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy: at ang pinakahandog na inumin niyaon ay alak, na ikaapat na bahagi ng isang hin.
Leb 23:14 At huwag kayong kakain ng tinapay, ni trigong sinangag, ni uhay na bago, hanggang sa araw na ito, hanggang sa inyong madala ang alay sa inyong Dios: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi, sa lahat ng inyong mga tahanan.
Leb 23:15 At kayo’y bibilang sa inyo mula sa kinabukasan ng sabbath mula sa araw na inyong dalhin ang bigkis na handog na inalog: magiging pitong sabbath na ganap.
Leb 23:16 Sa makatuwid baga’y hanggang sa kinabukasan ng ikapitong sabbath, bibilang kayo ng limang pung araw; at maghahandog kayo ng bagong handog na harina sa Panginoon.
Leb 23:17 Sa inyong mga tahanan ay magdadala kayo ng dalawang tinapay na aalugin na may dalawang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina, at lulutuin na may Lebadura na pinaka pangunang bunga sa Panginoon.
Leb 23:18 At ihaharap ninyo ang tinapay na kalakip ng pitong kordero ng unang taon na walang kapintasan, at ng isang guyang toro at ng dalawang tupang lalake: mga handog sa Panginoon na susunugin, na kalakip ng kanilang handog na harina, at ng kanilang mga handog na inumin, handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
Leb 23:19 At maghahandog kayo ng isang lalaking kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan, at ng dalawang korderong lalake ng unang taon na haing mga handog tungkol sa kapayapaan.
Leb 23:20 At aalugin ng saserdote pati ng tinapay ng mga unang bunga, na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon, na kalakip ng dalawang kordero: ang mga tinapay ay magiging itinalaga sa Panginoon na ukol sa saserdote.
Leb 23:21 At inyong ihahayag sa araw ding iyan; magiging banal na pagpupulong nga sa inyo; kayo’y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod: siyang palatuntunan sa lahat ng inyong mga tahanan, sa buong panahon ng inyong lahi.
Leb 23:22 At pagka inyong aanihin ang ani sa inyong lupain, ay huwag ninyong pakakaanihin ang mga sulok ng inyong bukid, ni pamulutan ang inyong naanihan: sa dukha at sa taga ibang lupa inyong ititira: ako ang Panginoon ninyong Dios.
Leb 23:23 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
Leb 23:24 Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Sa ikapitong buwan, sa unang araw ng buwan, ay magkakaroon kayo ng takdang kapahingahan, na pinakaalaalang may tunog ng mga pakakak banal na pagpupulong nga.
Leb 23:25 Kayo’y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod: at kayo’y maghahandog ng handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
Leb 23:26 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
Leb 23:27 Gayon ma’y sa ikasangpung araw nitong ikapitong buwan ay araw ng pagtubos: magiging sa inyo’y banal na pagpupulong, at papagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa; at maghahandog kayo ng handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
Leb 23:28 At huwag kayong gagawa ng anomang gawa sa araw ding iyan: sapagka’t araw ng pagtubos, upang itubos sa inyo sa harap ng Panginoon ninyong Dios.
Leb 23:29 Sapagka’t sinomang tao na hindi magdalamhati sa araw ding iyan ay ihihiwalay sa kaniyang bayan.
Leb 23:30 At sinomang tao na gumawa ng anomang gawa sa araw ding iyan ay pupuksain ko ang taong yaon sa kaniyang bayan.
Leb 23:31 Kayo’y huwag gagawa ng anomang gawa: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi sa lahat ng inyong mga tahanan.
Leb 23:32 Magiging sabbath na takdang kapahingahan sa inyo, at inyong pagdadalamhatiin ang inyong mga kaluluwa sa ikasiyam na araw ng buwan sa hapon, mula sa pagkalubog ng araw hanggang sa muling pagkalubog ng araw ay ipangingilin ninyo ang inyong sabbath.
Leb 23:33 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
Leb 23:34 Iyong salitain sa mga anak ni Israel, na sabihin, Sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwang ito ay kapistahan ng mga balag na pitong araw sa Panginoon.
Leb 23:35 Sa unang araw ay magkakaroon ng banal na pagpupulong; kayo’y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod.
Leb 23:36 Pitong araw na maghahandog kayo sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy; sa ikawalong araw ay magkakaroon kayo ng banal na pagpupulong; at kayo’y maghahandog sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy; siyang pinaka dakilang kapulungan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod.
Leb 23:37 Ito ang mga takdang kapistahan sa Panginoon, na inyong itatanyag na mga banal na pagpupulong, upang maghandog sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy, ng handog na susunugin, at ng handog na harina, ng hain, at ng mga handog na inumin na bawa’t isa ay sa kaniyang sariling kaarawan:
Leb 23:38 Bukod sa mga sabbath sa Panginoon, at bukod sa inyong mga kaloob, at bukod sa lahat ng inyong mga panata, at bukod sa lahat ng inyong mga handog na kusa na inyong ibinibigay sa Panginoon.
Leb 23:39 Gayon ma’y sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwan, pagka inyong natipon ang bunga ng lupain, ay magdidiwang kayo sa Panginoon ng kapistahang pitong araw: ang unang araw ay magiging takdang kapahingahan, at ang ikawalong araw ay magiging takdang kapahingahan.
Leb 23:40 At magdadala kayo sa unang araw ng bunga ng magagandang punong kahoy, ng mga sanga ng mga palma, at ng mga sanga ng mayayabong na punong kahoy, at ng mga sause ng batis; at kayo’y magpapakagalak sa harap ng Panginoon ninyong Dios, na pitong araw.
Leb 23:41 At inyong ipangingiling isang kapistahan sa Panginoon na pitong araw sa bawa’t taon: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi: sa ikapitong buwan ay ipagdidiwang ninyo ang kapistahang ito.
Leb 23:42 Kayo’y tatahan sa mga balag na pitong araw; yaong lahat ng tubo sa Israel ay tatahan sa mga balag:
Leb 23:43 Upang maalaman ng inyong mga lahi na sa mga balag pinatahan ko ang mga anak ni Israel, nang aking ilabas sa lupain ng Egipto: ako ang Panginoon ninyong Dios.
Leb 23:44 At ipinakilala ni Moises sa mga anak ni Israel ang mga takdang kapistahan sa Panginoon.